Anong pang abay gagamitin sa pangungusap na ito? Pangungusap: ________ mapera ang kanyang tatay. Ang Pang-abay ay salita o grupo ng salita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay . Mayroon itong ibat-ibang uri. Pang-abay na pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, panggaano, pamitagan at panulad. Halimbawa: Talagang mapera ang kaniyang tatay. (Panang-ayon) Tila mapera ang kaniyang tatay. (Pang-agam) Magbasa ng higit pa: brainly.ph/question/775575 brainly.ph/question/280674 brainly.ph/question/697467
Ano ang kahulugan ng kaisipan Ang kaisipan ay mahahalintulad sa salitang konsepto , ideya o pananaw . Ito ay maari rin ay masasabing produkto ng pag iisip. Sa pagsuri sa mga bagay bagay, nakakabuo tayo ng mga kaisipan. Nagpapahayag ito ng pananaw ng isang tao ukol sa ibat ibang bagay. Hindi lahat ng kaisipan ng tao ay pare-pareho. Ito ay nagkakaiba depende sa prinsipyo o paniniwala ng tao na nabubuo mula sa kanilang karakter na bumubuo ng kanilang pagkatao. Related links: brainly.ph/question/642273 brainly.ph/question/1656839 brainly.ph/question/651022
Comments
Post a Comment