Anong pang abay gagamitin sa pangungusap na ito? Pangungusap: ________ mapera ang kanyang tatay. Ang Pang-abay ay salita o grupo ng salita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay . Mayroon itong ibat-ibang uri. Pang-abay na pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, panggaano, pamitagan at panulad. Halimbawa: Talagang mapera ang kaniyang tatay. (Panang-ayon) Tila mapera ang kaniyang tatay. (Pang-agam) Magbasa ng higit pa: brainly.ph/question/775575 brainly.ph/question/280674 brainly.ph/question/697467
Diba uso ang pag tumingin ka akin ka pwede bang pag akin ka wag kana titingin sa iba? Tingin ba kamo? Uso iyan kahit kailan. Kaya ang tanong, puwede bang pag akin ka, wag ka na titingin sa iba ? Alam mo bang sa Bibliya, mayroong nakakatulad na mga kaisipan. Basahin at matuto! Mateo 5:37 Pero tiyakin ninyo na ang inyong 'Oo' ay oo at ang inyong 'Hindi' ay hindi, dahil ang pagiging di-tapat sa sinasabi ay katangian ng masama. Paliwanag: Ang tingin ba niya ay katumbas ng pagsasabing "Oo, tayo na!"? Maraming nahuhulug sa bitag ng kabiguan dahil sa inaasahan niya ang mga kilos ngunit walang salita. Bagaman maaaring magpakiramdaman ang dalawa, mag-ingat kung wala namang salitang lumalabas. Job 31: 1 "Nakipagtipan ako sa aking mga mata," ang sabi niya. "Kaya paano ako makapagbibigay-pansin sa isang dalaga?" Paliwanag: Ang isang tunay na commited at tapat ay hindi na talaga titingin pa sa iba. Ang kanilang puso ay itinatali na nila sa isa
Ano ang suliraning panlipunan sa kabanata 34 ng el filibusterismo El Filibusterismo Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita Suliranin ng Panlipunan: Sa kabanatang ito masasalamin kung gaano kalaki ang gampanin ng pera sa mga usaping personal ng isang tao lalo na ng mga kababaihan noon. Tulad na lamang ng ginawang pagpapakasal ni Paulita Gomez kay Juanito Pelaez gayong ang totoong kasintahan nito ay si Isagani. Dahil sa yaman at impluwensya ng mga Pelaez, nakumbinsi ni Don Timoteo si Paulita maging ang mga magulang nito na pakasalan ang kanyang anak na si Juanito na walang ibang alam kundi ang sumandal at umasa sa yaman ng mga magulang. Maging ang pagpapakasal sa taong hindi naman niya totoong minamahal ay desisyon ng kanyang mga magulang. Ito kadalasan ang nagiging pag uugali ng mga kabataan na nabibilang sa mayayamang angkan o pamilya. Hindi sila natututong tumayo sa sariling mga paa at nagiging tamad sapagkat ang lahat ya ibinibigay ng kanilang mga magulang. Madalas ay kinukunsinti
Comments
Post a Comment