Ano Ang Suliraning Panlipunan Sa Kabanata 34 Ng El Filibusterismo
Ano ang suliraning panlipunan sa kabanata 34 ng el filibusterismo
El Filibusterismo
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita
Suliranin ng Panlipunan:
Sa kabanatang ito masasalamin kung gaano kalaki ang gampanin ng pera sa mga usaping personal ng isang tao lalo na ng mga kababaihan noon. Tulad na lamang ng ginawang pagpapakasal ni Paulita Gomez kay Juanito Pelaez gayong ang totoong kasintahan nito ay si Isagani. Dahil sa yaman at impluwensya ng mga Pelaez, nakumbinsi ni Don Timoteo si Paulita maging ang mga magulang nito na pakasalan ang kanyang anak na si Juanito na walang ibang alam kundi ang sumandal at umasa sa yaman ng mga magulang. Maging ang pagpapakasal sa taong hindi naman niya totoong minamahal ay desisyon ng kanyang mga magulang. Ito kadalasan ang nagiging pag uugali ng mga kabataan na nabibilang sa mayayamang angkan o pamilya. Hindi sila natututong tumayo sa sariling mga paa at nagiging tamad sapagkat ang lahat ya ibinibigay ng kanilang mga magulang. Madalas ay kinukunsinti sila sa mga maling gawi at nagkakaisip lamang kapag wala na ang kanilang mga magulang. Sa kabilang banda, ang mga katulad ni Isagani na mahirap at may simpleng pamumuhay ay madalas na naaagawan ng mga oportunidad at pag - aari sapagkat wala silang sapat na impluwensya at kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang mga pag - aari maging ang kanilang karapatan sa pag - ibig.
Comments
Post a Comment