Anong Mensahe Ang Nais Iparating Ni Rizal Sa Mga Mambabasa Sa Pagkakahati Ng Mga Mamayan Na Nasa Itaas Nasa Ibaba Ng Bapor?
Anong mensahe ang nais iparating ni Rizal sa mga mambabasa sa pagkakahati ng mga mamayan na nasa itaas nasa ibaba ng bapor?
Ang mensaheng nais iparating ni Dr. Rizal sa mga mambabasa sa pagkakahati ng mga mamamayan na nasa itaas at ibaba ng bapor Tabo ay ang pagkakaroon ng pagitan ng mga mayayaman at mahihirap noon. Ibig din nitong ipakahulugan na mas superyor o kinikilala ng pamahalaan ang mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap sapagkat mayroon silang kakayahang magbayad ng buwis. Masasalamin ito sa nangyari sa Tatang ni Huli dahil sa sila ay mahirap ikinulong ito sapagkat hindi siya nakapagbabayad ng buwis sa kanyang lupain.
Comments
Post a Comment