El Filibusterismo Tanong At Sagot Bawat Kabanata 4

El filibusterismo tanong at sagot bawat kabanata 4

El filibusterismo tanong at sagot bawat kabanata 4

1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon?

Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal.

2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak?

Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit.

3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales?

Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos?  

4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa?

Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni't maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya'y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak?

Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle?  

Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siya'y tiirisin  lamang.

7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan?

Noong una'y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya'y may baril noon at siya'y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya'y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?

Ang pag-asa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana'y ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na?


Comments

Popular posts from this blog

Anong Pang Abay Gagamitin Sa Pangungusap Na Ito?, Pangungusap: ________ Mapera Ang Kanyang Tatay.

"Diba Uso Ang Pag Tumingin Ka Akin Ka Pwede Bang Pag Akin Ka Wag Kana Titingin Sa Iba?"

Ano Ang Suliraning Panlipunan Sa Kabanata 34 Ng El Filibusterismo