Tamang Pananaw Sa Seksuwalidad At Pagmamahal
Tamang pananaw sa seksuwalidad at pagmamahal
Ang seksuwalidad ay ang pagkakakilanlan ng isa kung siya ay isang babae o lalaki at kalakip ang kaniyang katayuan sa lipunan. Ang pakikipagtalik na bahagi nito ay isang disenyong sakdal mula sa Ama. Isa itong malinis na ugnayan na ibinigay bilang regalo sa mga mag-asawa. Sila ay binigyan ng espesyal na ugnayan, isang nakahihigit sa sangkatauhan- ang pagiging laman. Pero hindi dito nagsisimula ang lahat. Mula pagkabata ay may pagbabago na sa pisikal, mental at emosyonal. Ang lahat ng iyon ay may bahagi ang seksuwalidad.
Ang pagmamahal ay isang katangian, isang magiliw na damdamin sa isa na mahalaga para sa iyo. Ang pagmamahal ang ay nagbubuklod sa mga indibidwal. Ang isa na may romantikong damdamin sa kaniyang di kasekso ay nagnanasang makasama bilang isang laman ang taong iyon. Bahagi ng kapahayagan ng mag-asawa ang pakikipagtalik.
Comments
Post a Comment